jrldorado... mamang psycho driver!

1999 yata nun nang makasagupa namin itong si mamang psycho driver.

second year college ako nun at medyo bagong uso pa ang mga fx taxi. tuwang-tuwa kami ng mga katropa ko nang matuklasan namin na meron na palang terminal ng fx sa lawton papuntang sm southmall. malapit lang sa eskwelahan naming nasa intramuros. ngayon ay hindi na namin kailangang malasap ang bagsik ng trapik sa kahabaan ng taft avenue, dahil sa roxas boulevard ang daan ng mga nasabing fx. mas mabilis at mas komportable na'y nadagdagan pa ng tatlumpung minuto ang tulog namin araw-araw, dahil mas mabilis nga ang biyahe e. pwede nang mag-inin ng tulog!

minsan ay maaga kaming umuwi ng tropa dahil hindi na naman sinipot ang klase namin ng propesor naming balasubas. pagkatapos ng ilang minuto ng tsika-tsika sa tambayan ay lumarga na kami patungong bonifacio shrine sa lawton. hindi pa ito naaayos noon at namumutakti iyon sa dami ng kwek-kwekan, fishball-an at kikiaman. masakit sa mata at medyo nakakapikon dahil nung una'y isa lang ang kwek-kwekan doon. ngunit bumenta iyon ng malupet kaya't sa loob lang ng isang buwan ay may mga sampu ng paki-gayang tindahan ang nagsulputan na parang mga kabute. ngunit masakit man sila sa mata ay masarap naman sa panlasa at mabait sa aming bulsa kaya okey na din.

iyun nga nagmeryenda muna kami nina tristan at mark sa paborito naming tinderong si "manong", na sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay kapangalan ng paborito kong magtataho, barbero, janitor sa school at tindero sa kinakainan naming karinderya. kapangalan din siya ng lahat ng fx driver na nasakyan ko na. maliban lamang sa driver ng fx na nasakyan namin ng hapong iyon pagkatapos naming magmeryenda. hindi manong ang pangalan niya tulad ng karamihan. matapos ang kahindik-hindik naming karanasan sa kanya ay mabubuhay siyang magpakailanman sa alaala namming tatlo bilang si... MAMANG PSYCHO DRIVER!

pagkatapos naming mag-meryenda nung araw na iyon ay dumiretso na kami sa terminal ng fx. at dahil mga alas-tres pa lang noon ay wala pang fx na naghihintay. una ay dahil di pa ganoon kadami ang mga puv na ito at pangalawa ay hindi pa rush hour noon. mga sampung minuto kaming naghintay bago pumarada sa aming harap ang isang pakapangit-pangit na fx. as in pangit talaga. ngunit hindi lamang yan, kung anong pangit ng fx na iyon, limang ulet pang mas panget ang driver niyon. parang carding ng reycards duet ang dating, tapos gusut-gusutin mo pa ng konti ang mukha. 'yun!!

natsambahan namin yung tipo ng fx na hindi mo sasakyan unless hinahabol ka ng gahasa ng isang baklang may aids! sinubukan kong mag-object upang maghintay na lang kami para sa susunod na dadaang fx, ngunit inaatake na naman ng bugnot ang mahal kong kaibigang si tristan. gusto niya na raw umuwi talaga. kaya't upang maiwasan ang sigalot, sumakay na din kami sa fx ng lagim na iyon!

pag-upo namin sa nakaparadang fx, mas pangit pa ang hitsura ng loob. may mga magrasang tools sa lapag at spare tire sa likuran na sinasakyan ng pasahero. (sa likod kami umupo) hindi lang iyon, animo'y sinalanta ng ash fall ang mga upuan sa alikabok pa kamo, bukod sa mabaho ang amoy. medyo malansa sa pagkaka-alala ko.

to be continued... (actually, tinatamad na lang talaga akong ituloy.)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

KAYA PA NG PILIPINO!