jrldorado... buko pie na nakakatuwa.

bata pa ako ng mangyari iyon. siguro mga grade five o grade six pa lang ako. tandang-tanda ko, galing kami sa swimming sa los baƱos, pauwi na kami sakay sa jeep kasama ang buong baranggay namin na sumama sa outing na iyon.

inaantok na ako noon habang magmamasid sa labas ng sasakyan na usad pagong dahil sa trapik. siyempre outing season kasi dahil summer. at siyempre, sinasamantala ng mga vendors ang pagkakataong iyon upang maglako ng mga kakanin na specialty ng elbi. bida na siyempre diyan ang buko pie na tanggal na ang tilaok ng mga naglalako sa pagsigaw upang makabenta.

acctually, wala naman talagang significant na nangyari nung araw na iyon maliban dito sa isang mamang buko pie vendor na natsambahan kong dumaan sa tapat namin. hindi ba't ang karaniwang sigaw ng mga naglalako lalo na kung buko pie ay sabihin na nating"buko pie! buko pie! masarap!", o di kaya ay "...mainit pa!", o pwede ring "..bagong luto!"? ngunit kakaiba ang mamang ito ang sinisigaw niya para makabenta ay: "buko pie! buko pie! NAKAKATUWA! NAKAKATUWA!!"

hanggang ngayon sa mga sandaling ito, isa pa ring malaking palaisipan para sa akin kung PAANO?! na ang isang buko pie ay maging nakakatuwa. hindi ko naman masabing nagbibiro lang ang mama dahil mag-isa lang siya ng dumaan at mukhang seryosong-seryoso pa. nakakatuwa?

kaya kung ikaw na nagbabasa nito ay may ideya kung paanong ang isang buko pie ay nakakatuwa, kung maari lamang ay ie-mail mo ako at ng matahimik na ang aking kalooban. maraming salamat.


******************
peborit puv: fx. pawisin ang kilikili ko eh.
nag-123 na ba siya?: OO! inaamin ko oo!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

KAYA PA NG PILIPINO!