danielle t. ...mahal ko ang buhay ko

Talamak na talaga ang mga taong walang kahihiyan. Nagkalat ang mga manloloko, mga walang magawa sa buhay at mga pabayang dryber na nagmamaneho ng pampublikong sasakyan. Sa araw-araw na nagdaan sa aking buhay estudyante.

Maraming hirap at kawalang hiyaan ang aking nasasaksihan sa tuwing ako ay papasok ng aming unibersidad. Nariyan ang walang humpay na bangayan ng mga barker at pasahero ng jeep, ang pagtaas ng kaso ng mga mandurukot at isnatser at ang walang katapusang iringan at habulan sa mga rayot ng mga kapwa ko kabataan na sa halip ay mag-aral na lamang ay nalugmok pa sa droga.

Ako ay isang ordinaryong estudyante lamang na nag-aalala sa kinabukasan ng mga kabataan sa susunod na henerasyon. Kagaya na lamang kanina habang ako ay pauwi, gusto ko nang sumigaw sa takot dahil sa bilis ng pagtakbo ng pampasaherong jeep na aking sinasakyan. "Ano ba! Kung gusto mo nang mamahinga dahil sawa ka na sa buhay mo huwag mo akong idamay. Mahal ko buhay ko!"

Ako ay nangangamba, ano na lang kaya ang mangyayari sa darating na mga taon. Hindi ito ang uri ng buhay na gusto ko para sa mga susunod na henerasyon. Isang magulong kapaligiran? Isang mahirap na pamumuhay?

Ang sakit isipin kung gaano kahirap ang pamumuhay ng ating kapwa pinoy. Maswerte na lang siguro ang ilan na ni minsan hindi naranasan ang ganitong kahirapan. Hindi ko na kailangan maghanap buhay pa para lang makapagaral. Ang mahirap lang ay ang lungkot na aking nadarama sa tuwing aalis papunta sa ibang bansa ang aking mga magulang upang makapagbigay lamang ng kaginhawaan.

Mahirap. Nakaklungkot talaga.



****************
peborit puv: siyempre jeep. wag lang yung kaskasero na drayber.
nagawa na ba niyang mag-1,2,3? di din daw niya sinasadya. niyerbyos marahil sa kaskasero kaya nalimutan.

email: http://us.f422.mail.yahoo.com/ym/Compose?To=ellaholic@gmail.com&YY=21285&order=down&sort=date&pos=0

chai leyva... ang kaibigan kong cebuano.

Nakakatawa kung iisipin dahil sa dami ng tao sa Pilipinas, eh mismong tayo eh hindi magkaintindihan. I'm a half filipino/half filipina (maintindihan niyo kaya yun?!palagay ko hindi!) Heto ang kwento kong nakakaloka sa isang jeep papuntang school nung college pa ako.

Nagtapos ako sa isang Unibersidad na nuknukan ng kawalanghiyaan. Swerte mo kung kilala mo ako pero kung hindi, mamatay ka sa kakaisip. Sa parañaque ako nakatira at para makarating sa aking papasukan, kailangan kong sumukay ng 3 jeep at 2 trisikol(sa mga ilonggo, TRISIKAD sa mga bisaya, TRICYCLE sa mga ordinaryong tao at "what's that thing?" sa mga nagkukunwaring mayayaman at dugong bughaw).
Pagdating ko sa may baclaran, magpupunuan pa ang mga jeep. Kailangan kong tiisin ang baho sa palengke, langhapin ang nakakasuya at nakakasukang amoy ng mga taong tila hindi naligo ng isang dekada, iwasiwas ang panyo sa aking mukha para hindi maamoy ang tila amoy-buro na kili kili ng mga katabi ko at umiwas sa mga batang lansangan na "ANAK ARAW" kung tawagin namin dahil kaamoy na nila ang araw (literal ito mga pare!). Habang naghihihntay sa loob ng jeep at pagtiisan ko ang mga katabi ko, napansin ko na puno na nag kabilang hilera ng jeep. Sa aking banda, 4 lang kaming nakaupo. May malaking pagitan sa akin at sa mamang tila bagong ahon sa poso negro.
\
edyo matagal din ang aming paghihintay bago mapunan ang pagitan sa maming dalawa. May biglang umakyat na babaeng AFRO ang buhok, as in AFRO talaga!shet! Malaki pa ang pwede niyang upuan doon banda sa may driver ng isiniksik niya ang malaki niyang pwet sa pagitan namin ng mama. Eh di siyempre, naloka ang lolo niyo, dahil ang buhok niyang AFRO, basa pala. Ang kapal kapal ng buhok, tan---na!, basa na nga, afro pa. Eh di lalo na kung tuyo yun? Saan ka pa lulugar?
Going back, wala kaming nagawa ng mama kung hindi umusog. Nasa may bandang akyatan kao ng jeep kaya wala na akong uusugan. Siya ay nanduron sa may bandang bintana. Natakot na ako! Nang paalis na ang jeep, walang ka-traffic traffic nung araw na iyon at hindi ko alam kung bakit. Para bang ipinasadya ng diyos na walang traffic para karmahin ako. Eto na. Umupo ng patigilid ang walang hiyang longkatuts(alam niyo na yun)! Sabay nagpangalumbaba sa may hawakan sa gilid ng jeep. Sabi ko nga, sana mahagip yang kamay mo! Anyway, nung tumatakbo ng mabilis yung jeep, ang buhok ng walang hiyang longkatuts eh luilipad sa mukha KO!!!!!
Considering na basa na siya, ang haba pa. Pinaringgan ko ang babae. "Pwe!Pwe!Pwe!". ABA! naubos na ang laway ko sa kakaparinig para lang malaman niya na yung malabul--- niyang buhok eh nasa bibig ko na!
Ilang sandali at hindi ako nakatiis, Hinila ko pababa ang buhok ng walanghiyang babae. "Miss, tangi-a naman oh! Yung buhok mo nasa bibig ko na! Hiyang-hiya naman ako sa kaiklian ng buhok mo!" pasigaw kong sabi.Nagtawanan ang lahat ng tao sa loob ng jeep. Dahil siguro sa hiya, biglang bumaba ang babae.
Akala ko doon na magtatapos ang aking kalbaryo. Hindi pala. May katapat akong matandang lalaki sa jeep. nagbabaan na ang mga tao sa banda niya at 3 na lang silang natitira. Siya sa dulo, isa sa gitna, isa sa likod ng driver. Yung banda ko naman, napuno na, halos hindi ako makahinga dahil sa laki ng katawan ngmga katabi ko.
Humaharurot ang jeep sa kahabaan ng alabang zapote road ng pagdating ng ever, biglang huminto ang jeep dahil STOP na. Walang problema sa akin dahil ang nilandingan ko eh puro matataba. Naloka ako ng makita kong ang matandang lalaki eh nanduroon na sa may baba at dumulas papunta sa driver. Imbes na maawa kami, wala kaming nagawa kung hindi tumawa. Natawa rin siya sa kanyang sarili.
Sabi ko, ayos to! Isang bwitreng babae at isang pasaway na matanda, buo na araw ko! Hindi pa pala. Yun palang lalaking nasa kabilang side eh cebuano. hindi marunong pumara! Sa kagustuhang bumaba, walang nasabi kung hindi, TAMA NA! TAMA NA! imbes na para.
Iyan ang kwento ng buhay ko.


**********************
galeng no? you gotta give it up for the guy, este girl, este... whatever.
ang peborit puv niya ay jeep at minsan na siyang nag-123. malamang noong nangyari ang kwentong ito yun. nalanse marahil dahil sa kakatawa.

email chai at chai_bi2005@yahoo.com. check him out in friendster!

rene enriquez... Kahindik-hindik at Karumal-dumal

First of all, you gotta excuse my Tagalog. Cebuano kasi ako. I could
write everything in English-spaka but that's too conio naman. It will be
mix and match na lang. Gosh! Here goes nothing...

Fourth year high school ako nun sa Cebu. I take two rides going home
which is 10 kilometers from school. Kung nasa Cebu ka, malayo na yun. Two
rides pa nga eh.

Papunta na ako sa aking usual na hintayan but before I turned a corner,
narinig kong parang may humiyaw or sumigaw or something like that. It
didn't sound like a distress wail. Naisip ko pa nga na parang pasigaw
lang na tawag ng isang magkaibigan.

So I continued walking and as I turned the corner, nasa gilid na ako ng
isang jeep na dahan-dahang umaandar. Tamang-tama na nasa likod ako nito
nang biglang may nahulog na bata na parang naligo sa DUGO! What the
f*ck! then this woman dragged the kid sa tabi ng daan. And I just stopped
there in front of them. Not knowing what to do. Hindi rin naman ako
nagpanic. But after a minute or two, I realized what was happening at
nagmadali akong sumakay sa jeep na nasa likuran nito.

Nung nakaupo na ako, dun ko nalaman na hinoldap pala yung jeep nung
bata. Nakita kasi ng mga kapasahero ko kasi nasa likuran lang sila.
Nanlaban daw yung bata. At siya ang binaril.

Ang the gunman? Walang takot na naglakad lang sa tabi ng daan kung saan
dun rin kami dadaan. But what freaked me out ay nung pinagtuturo na
nang mga kapasahero ko yung holdaper na hawak-hawak yung attache case at
naka-tuck in ang baril sa gilid. Eh kung kami ang pinagbabaril nun?!
Buti na lang hindi na nag-react ang gago. Naghintay pa nang jeep nung
nakarating sa kanto ang holdaper. Yung driver naman namin, dumiretso na.
Baka daw mapano pa kami.

The next day, nabasa ko na lang na buhay pa ang bata. Natamaan sa leeg
kaya halos maligo siya sa dugo. Ang maganda lang naidulot ng
insidenteng yun ay naging matapang bigla ang tingin ng mga classmates ko sa akin
pagbalik ng school. May mga schoolmates pala nakakita sa 'kin na ang
tapang ko daw na tingnan yung binaril. Animal! May choice ba ako. Eh sa
tapat ko bumulagta?! Buti na lang din di ako kumaripas ng takbo. Hehehe!

*****************************
peborit puv: jeep.
nag-123 na ba siya?: minsan lang daw. may auto na kasi eh. kung nagkataong wala, sugradong araw-araw 'yan.:)
pic stop to rene's painting's and photographs.

tobie abad... untitled

Nag-commute ako dati pa puntang opisina. Pag-sakay ko sa taxi, bigla kong na amoy ang mabahong aroma ng... you said it, ebak.

Siyempre, i started giving the taxi driver, this old man who seemed to have no ability to control his bowels, dirty looks. Medyo nagtataray pa ako ng humirit akong, "Boss wag na tayo mag-air con." Nang tumingin ako sa may sahig, doon ko lang na-realise... siyet... ako pala ang nakatapak ng ebs.

I probably apologised over twenty times that day. Pero dehins puwede ma-late o mag-absent dahil lang sa ebs. Kaya tuloy to the office ako at salamat sa Diyos may nahanap akong bukas na gripo sa ground floor. Nahugasan ko naman sapatos ko.Ang taxi? Well, ang metro na 80 pesos, 200 ang kinita.Okay na siguro yon pang car wash.

Lesson learned: Kahit matanda na ang driver, don't blame the oldies for smelling like shet. Baka shoes mo pala!


***********************
peborit puv: taxi. wala, konyo eh.
naranasan naba niyang mag-123?: yep. pero 'di daw sinasadya. sige na nga.

detour to the garapata's lair.

jrldorado... buko pie na nakakatuwa.

bata pa ako ng mangyari iyon. siguro mga grade five o grade six pa lang ako. tandang-tanda ko, galing kami sa swimming sa los baños, pauwi na kami sakay sa jeep kasama ang buong baranggay namin na sumama sa outing na iyon.

inaantok na ako noon habang magmamasid sa labas ng sasakyan na usad pagong dahil sa trapik. siyempre outing season kasi dahil summer. at siyempre, sinasamantala ng mga vendors ang pagkakataong iyon upang maglako ng mga kakanin na specialty ng elbi. bida na siyempre diyan ang buko pie na tanggal na ang tilaok ng mga naglalako sa pagsigaw upang makabenta.

acctually, wala naman talagang significant na nangyari nung araw na iyon maliban dito sa isang mamang buko pie vendor na natsambahan kong dumaan sa tapat namin. hindi ba't ang karaniwang sigaw ng mga naglalako lalo na kung buko pie ay sabihin na nating"buko pie! buko pie! masarap!", o di kaya ay "...mainit pa!", o pwede ring "..bagong luto!"? ngunit kakaiba ang mamang ito ang sinisigaw niya para makabenta ay: "buko pie! buko pie! NAKAKATUWA! NAKAKATUWA!!"

hanggang ngayon sa mga sandaling ito, isa pa ring malaking palaisipan para sa akin kung PAANO?! na ang isang buko pie ay maging nakakatuwa. hindi ko naman masabing nagbibiro lang ang mama dahil mag-isa lang siya ng dumaan at mukhang seryosong-seryoso pa. nakakatuwa?

kaya kung ikaw na nagbabasa nito ay may ideya kung paanong ang isang buko pie ay nakakatuwa, kung maari lamang ay ie-mail mo ako at ng matahimik na ang aking kalooban. maraming salamat.


******************
peborit puv: fx. pawisin ang kilikili ko eh.
nag-123 na ba siya?: OO! inaamin ko oo!!!

by jactinglim...untitled

Sumakay ako ng dyip pauwi. Dun ako sa dulo, malapit sa
pinto(kung may pinto ang likod ng dyip). Tapos may isang mamang sumakay.
Malaki. Mataba. Madumi. Mukhang matadero kasi may bahid ng dugo yung
punit-punit niyang sando.

Di ko masyadong pinansin hanggang sa unti-unti napapansin kong
nagsasalita sa ere. Siguro nakikipagdebate kay Invisible Man kasi wala akong
makitang kausap niya.

Maya-maya napikon na siya at nagakmang bubunot ng kutsilyo. May
nakasukbit pala sa likod ng belt ng puruntong niya. Pero akma lang. Siguro
sinuyo ni Invisible Man kasi hindi niya tinuloy ang pagbunot ng kutsilyo.
Anlaki pa man din nun at puro dugo rin.

Sa madaling salita ako lang nakakita. Ako nasa likod niya e. Ay, pati
pala yung babae sa tapat ko. Nag-text ako sa kaibigan ko "weird, yung
kasakay mukhang luko-luko. May dala pang kutsilyo."

Nung may pumara bumaba na yung babae sa tapat ko. nakita rin pala niya
yung kutsilyo. nun naman tumawag yung kaibigan ko, bumaba na raw ako.
Ako ayaw ko pa sana, kasi sayang pamasahe nagbayad naako (kuripot!)
atsaka may nakasakay na mag-ina sa harap ng mamang may dugong bahid. Parang
ayokong iwan.

Kaso ayaw talaga pumayag na hindi ako bababa, e di baba. Tapos sumigaw
na lang ako sa mag-ina, "Bumaba na rin kayo."

Hindi nila na-gets syempre.


****************
peborit puv: mrt, para hindi masyadong ma-late.
nag-123 na ba s'ya?: yep! pero 'di daw niya sinasadya. (maniwala!)

detour to jac's blog.

jrldorado... mamang psycho driver!

1999 yata nun nang makasagupa namin itong si mamang psycho driver.

second year college ako nun at medyo bagong uso pa ang mga fx taxi. tuwang-tuwa kami ng mga katropa ko nang matuklasan namin na meron na palang terminal ng fx sa lawton papuntang sm southmall. malapit lang sa eskwelahan naming nasa intramuros. ngayon ay hindi na namin kailangang malasap ang bagsik ng trapik sa kahabaan ng taft avenue, dahil sa roxas boulevard ang daan ng mga nasabing fx. mas mabilis at mas komportable na'y nadagdagan pa ng tatlumpung minuto ang tulog namin araw-araw, dahil mas mabilis nga ang biyahe e. pwede nang mag-inin ng tulog!

minsan ay maaga kaming umuwi ng tropa dahil hindi na naman sinipot ang klase namin ng propesor naming balasubas. pagkatapos ng ilang minuto ng tsika-tsika sa tambayan ay lumarga na kami patungong bonifacio shrine sa lawton. hindi pa ito naaayos noon at namumutakti iyon sa dami ng kwek-kwekan, fishball-an at kikiaman. masakit sa mata at medyo nakakapikon dahil nung una'y isa lang ang kwek-kwekan doon. ngunit bumenta iyon ng malupet kaya't sa loob lang ng isang buwan ay may mga sampu ng paki-gayang tindahan ang nagsulputan na parang mga kabute. ngunit masakit man sila sa mata ay masarap naman sa panlasa at mabait sa aming bulsa kaya okey na din.

iyun nga nagmeryenda muna kami nina tristan at mark sa paborito naming tinderong si "manong", na sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay kapangalan ng paborito kong magtataho, barbero, janitor sa school at tindero sa kinakainan naming karinderya. kapangalan din siya ng lahat ng fx driver na nasakyan ko na. maliban lamang sa driver ng fx na nasakyan namin ng hapong iyon pagkatapos naming magmeryenda. hindi manong ang pangalan niya tulad ng karamihan. matapos ang kahindik-hindik naming karanasan sa kanya ay mabubuhay siyang magpakailanman sa alaala namming tatlo bilang si... MAMANG PSYCHO DRIVER!

pagkatapos naming mag-meryenda nung araw na iyon ay dumiretso na kami sa terminal ng fx. at dahil mga alas-tres pa lang noon ay wala pang fx na naghihintay. una ay dahil di pa ganoon kadami ang mga puv na ito at pangalawa ay hindi pa rush hour noon. mga sampung minuto kaming naghintay bago pumarada sa aming harap ang isang pakapangit-pangit na fx. as in pangit talaga. ngunit hindi lamang yan, kung anong pangit ng fx na iyon, limang ulet pang mas panget ang driver niyon. parang carding ng reycards duet ang dating, tapos gusut-gusutin mo pa ng konti ang mukha. 'yun!!

natsambahan namin yung tipo ng fx na hindi mo sasakyan unless hinahabol ka ng gahasa ng isang baklang may aids! sinubukan kong mag-object upang maghintay na lang kami para sa susunod na dadaang fx, ngunit inaatake na naman ng bugnot ang mahal kong kaibigang si tristan. gusto niya na raw umuwi talaga. kaya't upang maiwasan ang sigalot, sumakay na din kami sa fx ng lagim na iyon!

pag-upo namin sa nakaparadang fx, mas pangit pa ang hitsura ng loob. may mga magrasang tools sa lapag at spare tire sa likuran na sinasakyan ng pasahero. (sa likod kami umupo) hindi lang iyon, animo'y sinalanta ng ash fall ang mga upuan sa alikabok pa kamo, bukod sa mabaho ang amoy. medyo malansa sa pagkaka-alala ko.

to be continued... (actually, tinatamad na lang talaga akong ituloy.)
KAYA PA NG PILIPINO!