danielle t. ...mahal ko ang buhay ko

Talamak na talaga ang mga taong walang kahihiyan. Nagkalat ang mga manloloko, mga walang magawa sa buhay at mga pabayang dryber na nagmamaneho ng pampublikong sasakyan. Sa araw-araw na nagdaan sa aking buhay estudyante.

Maraming hirap at kawalang hiyaan ang aking nasasaksihan sa tuwing ako ay papasok ng aming unibersidad. Nariyan ang walang humpay na bangayan ng mga barker at pasahero ng jeep, ang pagtaas ng kaso ng mga mandurukot at isnatser at ang walang katapusang iringan at habulan sa mga rayot ng mga kapwa ko kabataan na sa halip ay mag-aral na lamang ay nalugmok pa sa droga.

Ako ay isang ordinaryong estudyante lamang na nag-aalala sa kinabukasan ng mga kabataan sa susunod na henerasyon. Kagaya na lamang kanina habang ako ay pauwi, gusto ko nang sumigaw sa takot dahil sa bilis ng pagtakbo ng pampasaherong jeep na aking sinasakyan. "Ano ba! Kung gusto mo nang mamahinga dahil sawa ka na sa buhay mo huwag mo akong idamay. Mahal ko buhay ko!"

Ako ay nangangamba, ano na lang kaya ang mangyayari sa darating na mga taon. Hindi ito ang uri ng buhay na gusto ko para sa mga susunod na henerasyon. Isang magulong kapaligiran? Isang mahirap na pamumuhay?

Ang sakit isipin kung gaano kahirap ang pamumuhay ng ating kapwa pinoy. Maswerte na lang siguro ang ilan na ni minsan hindi naranasan ang ganitong kahirapan. Hindi ko na kailangan maghanap buhay pa para lang makapagaral. Ang mahirap lang ay ang lungkot na aking nadarama sa tuwing aalis papunta sa ibang bansa ang aking mga magulang upang makapagbigay lamang ng kaginhawaan.

Mahirap. Nakaklungkot talaga.



****************
peborit puv: siyempre jeep. wag lang yung kaskasero na drayber.
nagawa na ba niyang mag-1,2,3? di din daw niya sinasadya. niyerbyos marahil sa kaskasero kaya nalimutan.

email: http://us.f422.mail.yahoo.com/ym/Compose?To=ellaholic@gmail.com&YY=21285&order=down&sort=date&pos=0

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

KAYA PA NG PILIPINO!